19 Huwag kayong
mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming
tanga at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw.
20 Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit dahil doon ay walang tanga at
kalawang na sisira, at wala ring mga magnanakaw.
21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman
ang inyong puso.
22 Ang mata ang ilawan ng katawan. Kaya nga, kapag malinaw ang iyong mata,
mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan.
23 Ngunit kapag masama ang iyong mata, mapupuno ng dilim ang iyong buong katawan.
24 Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring
kapootan niya ang isa at ibigin ang ikalawa. Maaaring maging tapat siya sa isa
at pawalang-halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa
kayamanan.
25 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung
ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang
buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit?
26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas,
ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit.
Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila?
27 Sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang
tangkad?
28 Bakit kayo nababalisa patungkol sa damit? Masdan ninyo ang mga liryo
sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni humahabi man.
29 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kahit si Solomon, sa lahat ng kaniyang
kaluwalhatian, ay hindi nakapaggayak katulad ng isa sa mga ito.
30 Dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay
susunugin. Kung dinaramtan niya ang damo sa ganoong paraan, hindi ba niya kayo
daramtan, kayong maliliit ang pananampalataya?
31 Kaya nga, huwag kayong mabalisa at inyong sasabihin: Ano ang aming kakainin,
ano ang aming iinumin at ano ang aming daramtin?
32 Ang mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga Gentil. Alam ng inyong
Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
33 Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran,
at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.
34 Huwag nga kayong mabalisa patungkol sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan
ang mababalisa sa kaniyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang kasamaan nito.
— Mateo 6:19-34
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng
Bibles
International)
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Mateo 6:19-34 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia
SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...
Mga
Taga-Filipos 4:6
1 Pedro 5:6-7
No comments:
Post a Comment