4 Sinusulat namin
ang mga bagay na ito sa inyo upang malubos ang ating kagalakan.
5 Ito nga ang pangaral na narinig namin sa kaniya at ipinahahayag namin sa inyo:
Ang Diyos ay liwanag at sa kaniya ay walang anumang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating tayo ay may pakikipag-isa sa kaniya ngunit lumalakad
naman sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang
katotohanan.
7 Ngunit kung lumalakad tayo sa liwanag, tulad niyang nasa liwanag, may
pakikipag-isa tayo sa isa't isa. Ang dugo ni Jesucristo na kaniyang anak ang
naglilinis sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at
ang katotohanan ay wala sa atin.
9 Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na
magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan.
— 1 Juan 1:4-9
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng
Bibles
International)
Labels: Nadaig, Nanunumbalik sa Dating Kasamaan
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
1 Juan 1:4-9 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment