“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Tuesday, July 22, 2014

Juan 3:1-36

1 May isang lalaki sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno ng mga Judio.
2 Pumunta siya kay Jesus nang gabi at sinasabi niya: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na mula sa Diyos. Ito ay sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na iyong ginagawa malibang sumasakaniya ang Diyos.
3 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya maaaring makita ang paghahari ng Diyos.
4 Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipanganganak ang taong matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos.
6 Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu.
7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kinakailangang ipanganak kang muli.
8 Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa Espiritu.
9 Tumugon si Nicodemo at sinabi sa kaniya: Papaano mangyayari ang mga bagay na ito?
10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ikaw ay guro sa Israel at hindi mo alam ang mga bagay na ito?
11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Ang aming nalalaman ay sinasabi namin. Pinatotohanan namin ang mga nakita namin. Hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12 Hindi ninyo pinaniwalaan ang mga bagay na panlupa na sinabi ko sa inyo. Papaano ninyo paniniwalaan kung sasabihin ko sa inyo ang mga bagay patungkol sa langit?
13 Walang pumaitaas sa langit maliban sa kaniya na bumabang mula sa langit Maliban sa Anak ng Tao na nasa langit.
14 Kung papaanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng Tao.
15 Ito ay upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
19 Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama.
20 Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa.
21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.
22 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea. Siya ay nanatili roong kasama nila at nagbawtismo.
23 Si Juan ay nagbabawtismo rin sa Enon na malapit sa Salim sapagkat maraming tubig doon. Sila ay pumaroon at nabawtismuhan.
24 Ito ay sapagkat hindi pa nakabilanggo noon si Juan.
25 Nagkaroon ng isang katanungan ang mga alagad ni Juan at ang mga Judio patungkol sa pagdadalisay.
26 Sila ay lumapit kay Juan at sinabi sa kaniya: Guro, tingnan mo ang kasama mo sa ibayo ng Jordan na iyong pinatotohanan ay nagbabawtismo. Lahat ay pumupunta sa kaniya.
27 Tumugon si Juan at nagsabi: Hindi makakatanggap ng anuman ang isang tao malibang ito ay ipagkaloob sa kaniya mula sa langit.
28 Kayo ang makapagpapatotoo na aking sinabi: Hindi ako ang Mesiyas. Ako ay sinugong una sa kaniya.
29 Siya na lalaking ikakasal ang siyang may babaeng ikakasal. Ang kaibigan ng lalaking ikakasal ay nakatayo at nakikinig sa kaniyang tinig. Siya ay lubos na nagagalak sapagkat naririnig niya ang tinig ng lalaking ikakasal. Sa ganito ring paraan ako ay lubos na nagagalak.
30 Kinakailangang siya ay maging higit na dakila at ako ay maging higit na mababa.
31 Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat.
32 Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo.
33 Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo.
34
Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat.
35 Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay.
36 Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.
 
— Juan 3:1-36
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
SA PANAHONG....

Ikaw ay nagkasala:

1 Juan 1

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

No comments:

Post a Comment

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen