13
Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa
nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang
pagasa.
14
Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na
maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na
kasama niya.
15
Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong
nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo
mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may
tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay
unang mangabubuhay na maguli;
17
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa
mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa
Panginoon tayo magpakailan man.
18
Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
— 1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment