1
Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling
asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng
walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;
2
Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.
3
Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at
pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;
4
Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng
espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.
5
Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal
na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;
6
Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na
kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo
nangatatakot sa anomang kasindakan.
7
Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong
asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na
sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang
ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.
8
Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang
tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
9
Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta;
kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana
ng pagpapala.
10
Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay
magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita
ng daya:
11
At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at
kaniyang sundan.
12
Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga
pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga
nagsisigawa ng masama.
13
At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?
14
Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at
huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;
15
Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi
kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol
sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:
16
Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay
mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay
Cristo.
17
Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y
mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.
— 1 Pedro 3:1-17
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment