1
Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na
ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia;
2
Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang
katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng
kanilang kagandahang-loob.
3
Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang
kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,
4
Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa
pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:
5
At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang
sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.
6
Ano pa't namanhik kami kay Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya
na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito.
7
Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya,
at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin
ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.
8
Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, kundi gaya ng sumusubok sa
pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.
9
Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman
siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng
kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo.
10
At sa ganito'y ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo,
na naunang nangagpasimula na may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi
naman sa pagnanais.
11
Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong
nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos
ayon sa inyong kaya.
12
Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di
tinataglay.
13
Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo'y
mabigatan;
14
Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa
panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay
maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.
15
Gaya ng nasusulat, Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng
kaunti ay hindi kinulang.
— 2 Mga Taga-Corinto 8:1-15
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment