8
Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis;
nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
9
Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi
nangasisira;
10
Laging saan ma'y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay
ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.
11
Sapagka't kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus,
upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.
12
Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.
13
Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng
nasusulat, Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay
nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita;
14
Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring
bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.
15
Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na pinarami
sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa
ikaluluwalhati ng Dios.
16
Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina,
nguni't ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
17
Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang
gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;
18
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa
mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may
katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.
— 2 Mga Taga-Corinto
4:8-18
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment