1
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay
nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2
At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
4
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
5
Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
6
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y
bubusugin.
7
Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
8
Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
9
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
10
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian
ng langit.
11
Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y
pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa
langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa
inyo.
—
Mateo 5:1-12
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment