25
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung
ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong
katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa
pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?
26
Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni
nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong
Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?
27
At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng
kaniyang buhay?
28
At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa
parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:
29
Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian
niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.
30
Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay
buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong
pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?
31
Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang
aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?
32
Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil;
yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng
mga bagay na ito.
33
Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran;
at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
34
Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas
ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.
— Mateo 6:25-34
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment