1
Mga kapatid ko, yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong
Jesucristo, na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.
2
Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na
ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may
damit na hamak;
3
At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka
rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo
ka sa ibaba ng aking tungtungan;
4
Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may
masasamang pagiisip?
5
Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Dios ang mga
dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga
tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya?
6
Nguni't inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng
mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?
7
Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y
itinatawag?
8
Gayon man kung inyong ganapin ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, Iibigin mo
ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti:
9
Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y
hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
10
Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa
isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.
11
Sapagka't ang nagsabi, Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang
pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay
nagiging suwail ka sa kautusan.
12
Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong
huhukuman sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan.
13
Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa
ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
14
Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may
pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang
pananampalatayang iyan?
15
Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,
16
At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y
mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila
ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?
17
Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang
sarili.
— Santiago 2:1-17
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment