1
Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo?
hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga
sangkap?
2
Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit,
at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y
wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.
3
Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo
ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
4
Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa
sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan
ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
5
O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang
Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
6
Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang
Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga
mapagpakumbaba.
7
Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas
siya sa inyo.
8
Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong
mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso,
kayong mga may dalawang akala.
9
Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong
pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.
10
Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
11
Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita
laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa
kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa
kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12
Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang
makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong
kapuwa?
13
Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami
sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
14
Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y
isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
15
Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay
mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.
16
Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: ang lahat ng
ganitong pagmamapuri ay masama.
17
Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa
kaniya.
— Santiago 4:1-17
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment