“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Showing posts with label Ang_Kapanganakan_ni_Jesus. Show all posts
Showing posts with label Ang_Kapanganakan_ni_Jesus. Show all posts

Wednesday, July 23, 2014

Mateo 2:1-23

1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,
2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.
3 Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem.
4 At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo.
5 At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta,
6 At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel.
7 Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin.
8 At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin.
9 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol.
10 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak.
11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.
12 At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.
13 Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.
14 At siya'y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan, at napasa Egipto;
15 At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.
16 Nang magkagayon, nang mapansin ni Herodes na siya'y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake, ay nagalit na mainam, at nagutos, at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibotlibot noon, mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa, alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake.
17 Nang magkagayo'y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi,
18 Isang tinig ay narinig sa Rama, Pananangis at kalagimlagim na iyak, Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak; At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na.
19 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi,
20 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagka't nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol.
21 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel.
22 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng Galilea,
23 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging Nazareno.
 
— Mateo 2:1-23
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


KUNG SAAN SA BIBLIA:
MATATAGPUAN MO...

Ang Kapanganakan ni Jesus:

Mateo 1
Lucas 2

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Lucas 2:1-52

1 Nangyari, nang mga araw na iyon, na lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na nag-uutos na dapat magpatala ang buong sanlibutan.
2 Ang pagpapatalang ito ay unang nangyari nang si Cirenio ay gobernador ng Siria.
3 Ang lahat ay pumunta upang makapagpatala, bawat isa sa kaniyang sariling lungsod.
4 Si Jose ay umahon din mula sa Galilea, mula sa lungsod ng Nazaret patungo sa Judea. Sa dahilang siya ay kabilang sa sambahayan at angkan ni David, siya ay umahon sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem.
5 Siya ay umahon upang magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya. At kabuwanan na noon ni Maria.
6 Nangyari, samantalang sila ay naroroon, sumapit ang araw ng kaniyang panganganak.
7 Isinilang niya ang kaniyang panganay na anak, isang lalaki at binalot niya siya ng mga mahabang tela. Siya ay inihiga niya sa isang sabsaban sapagkat wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan.
8 Sa lupain ding iyon ay may mga tagapag-alaga ng mga tupa na namamalagi sa parang. Binabantayan nila sa gabi ang kanilang kawan.
9 Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon. Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at sila ay lubhang natakot.
10 Sinabi sa kanila ng anghel: Huwag kayong matakot. Narito, inihahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan para sa lahat ng mga tao.
11 Ito ay sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas. Siya ang Cristo na Panginoon.
12 Ito ang palatandaan ninyo. Inyong masusumpungan ang sanggol na nababalot ng mga mahabang tela at nakahiga sa isang sabsaban.
13 At biglang lumitaw ang isang karamihan ng hukbo ng langit na kasama ng anghel na iyon. Sila ay nagpupuri sa Diyos at nagsasabi:
14 Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, sa lupa ay kapayapaan, sa mga tao ay kaluguran.
15 Nangyari, nang ang mga anghel ay umalis patungo sa langit, ang mga tagapag-alaga ng tupa ay nag-usap-usap. Sinabi nila sa isa't isa: Pumunta tayo hanggang sa Bethlehem. Tingnan natin ang bagay na ito na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.
16 Sila ay nagmadaling pumunta roon. Nasumpungan nila roon si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17 Pagkakita nila, kanilang ipinamalita ang salitang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.
18 Ang lahat ng mga nakarinig ay namangha sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga tagapag-alaga ng tupa.
19 Sinarili ni Maria ang lahat ng mga salitang ito, at isina-alang-alang sa kaniyang puso.
20 At bumalik ang mga tagapag-alaga ng tupa na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita tulad ng pagkasabi sa kanila.
21 Dumating ang ikawalong araw para sa pagtutuli sa maliit na bata. Ang kaniyang pangalan ay tinawag na Jesus. Ito ang ipinangalan ng anghel bago siya ipinagdalang-tao sa bahay-bata.
22 Naganap na ang araw ng kanilang pagdadalisay ayon sa kautusan ni Moises. Pagkatapos nito, dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon.
23
Gaya ng nasusulat sa kautusan ng Panginoon: Ang bawat batang lalaki na nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon.
24 Dinala nila siya upang maghandog ng hain ayon sa sinabi sa kautusan ng Panginoon. Ang hain ay isang tambal na batu-bato o dalawang inakay na kalapati.
25 Narito, sa Jerusalem ay may isang lalaki na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito ay matuwid at maka-diyos na naghihintay sa kaaliwan ng Israel. At ang Banal na Espiritu ay sumasakaniya.
26 Ang Banal na Espiritu ay naghayag sa kaniya na hindi siya mamamatay hanggang hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon.
27 Siya ay pumunta sa loob ng templo sa pamamagitan ng Espiritu. Dinala ng mga magulang ang maliit na batang si Jesus sa templo. Ito ay upang magawa nila sa kaniya ang naaayon sa naging kaugalian sa kautusan.
28 Nang dinala nila ang maliit na bata, kinarga siya ni Simeon at pinuri ang Diyos.
29 Sinabi niya: Panginoon, ngayon ay papanawin mo na ang iyong alipin na may kapayapaan ayon sa iyong salita.
30 Ito ay sapagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas.
31 Inihanda mo ito sa harap ng lahat ng mga tao.
32 Ang kaligtasang ito ay isang liwanag upang maging kapahayagan sa mga Gentil. Ito ay kaluwalhatian ng Israel na iyong mga tao.
33 Si Jose at ang ina ni Jesus ay namangha sa mga bagay na sinabi patungkol sa kaniya.
34 Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata: Narito, siya ay itinalaga upang ibagsak at itindig ang marami sa Israel. Siya ay magiging isang tanda na kanilang tututulan.
35 Ito ay mangyayari upang mahayag ang mga pagtatalo ng maraming puso. Sa iyo rin, isang tabak ang tatagos sa iyong kaluluwa.
36 Naroroon din si Ana, isang babaeng propeta na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Siya ay lubhang matanda na. Mula sa kaniyang kadalagahan, pitong taon siyang namuhay na may asawa.
37 Siya ay mga walumpu't-apat na taon na at siya ay isang balo. At hindi na siya umalis sa templo. Araw at gabi siya ay naglilingkod na may mga pag-aayuno at mga pagdalangin.
38 Sa oras ding iyon, pumasok siya sa kinaroroonan nila at nagpuri sa Panginoon. Nagsalita siya patungkol kay Jesus sa kanilang lahat na nasa Jerusalem na naghihintay ng katubusan.
39 Naganap na nila ang lahat ng mga bagay ayon sa kautusan ng Panginoon. Sila ay bumalik sa Galilea, sa Nazaret na kanilang lungsod.
40 Ang bata ay lumaki at lumakas sa espiritu. Napuspos siya ng karunungan at ang biyaya ng Diyos ay sumakaniya.
41 Taun-taon ay pumupunta ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem para sa pista ng Paglagpas.
42 Nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay umahon sa Jerusalem ayon sa kaugalian ng kapistahan.
43 Sila ay bumalik nang mabuo na nila ang mga araw ng kapistahan. Sa kanilang pagbabalik, ang batang si Jesus ay nanatili sa Jerusalem na hindi nalalaman ni Jose at ng ina ng bata.
44 Sa pag-aakala nilang siya ay nasa kasamahan nila, sila ay yumaon at naglakbay ng isang araw. Pagkatapos nito, hinanap nila siya sa mga kamag-anak at mga kakilala.
45 Nang hindi nila siya natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at hinanap siya.
46
Pagkalipas ng tatlong araw, natagpuan nila siya sa templo. Siya ay nakaupo sa kalagitnaan ng mga guro, nakikinig at nagtatanong sa kanila.
47 Ang lahat ng mga nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at mga sagot.
48 Nanggilalas ng labis ang kaniyang mga magulang nang makita siya. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina: Anak, bakit mo ginawa sa amin ang ganiyan? Ako at ang iyong ama ay naghanap sa iyo ng may hapis.
49 Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako hinanap? Hindi ba ninyo alam na kinakailangan kong gawin ang mga bagay na may kinalaman sa aking Ama?
50 Hindi nila naunawaan ang mga salitang sinabi niya sa kanila.
51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret. Siya ay nagpasakop sa kanila. At iningatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga bagay na ito.
52 At si Jesus ay lumago sa karunungan, at pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Diyos, at sa mga tao.
 
— Lucas 2:1-52
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


KUNG SAAN SA BIBLIA:
MATATAGPUAN MO...

Ang Kapanganakan ni Jesus:

Mateo 1
Mateo 2

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Tuesday, July 22, 2014

Mateo 1:1-25

1 Ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.
2 Naging anak ni Abraham si Isaac at naging anak ni Isaac si Jacob. Naging anak naman ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid.
3 Naging anak ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Naging anak naman ni Fares si Esrom at naging anak ni Esrom si Aram.
4 Naging anak ni Aram si Abinadab at naging anak ni Abinadab si Naason. Naging anak naman ni Naason si Salmon.
5 Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz at naging anak ni Booz kay Ruth si Obed. Naging anak naman ni Obed si Jesse.
6 Naging anak ni Jesse si haring David at naging anak ni haring David si Solomon sa naging asawa ni Urias.
7 Naging anak ni Solomon si Rehoboam at naging anak ni Rehoboam si Abias. Naging anak naman ni Abias si Asa.
8 Naging anak ni Asa si Jehosafat at naging anak naman ni Jehosafat si Joram. Naging anak naman ni Joram si Uzia.
9 Naging anak ni Uzia si Jotam at naging anak ni Jotam si Acas. Naging anak naman ni Acas si Hezekia.
10 Naging anak ni Hezekia si Manase at naging anak naman ni Manase si Amon. Naging anak naman ni Amon si Josia.
11 Naging anak naman ni Josia si Jeconia at ang kaniyang mga kapatid. Ito ay noong ang mga taga-Israel ay dinalang bihag sa Babilonia.
12 Nang sila ay dinala sa Babilonia, naging anak ni Jeconia si Shealtiel. Naging anak ni Shealtiel si Zerubabel.
13 Naging anak ni Zerubabel si Abiud at naging anak ni Abiud si Eliaquim. Naging anak naman ni Eliaquim si Azor.
14 Naging anak ni Azor si Sadoc at naging anak ni Sadoc si Aquim. Naging anak naman ni Aquim si Eliud.
15 Naging anak ni Eliud si Eleazar at naging anak ni Eleazar si Matan. Naging anak naman ni Matan si Jacob.
16 Naging anak naman ni Jacob si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang nanganak kay Jesus na tinatawag na Cristo.
17 Samakatuwid, ang lahat ng sali't saling lahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na lahi. Mula naman kay David hanggang sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia ay labing-apat na sali't saling lahi. Mula naman sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na sali't saling lahi.
18 Ganito ang naging kapanganakan ni Jesucristo. Ang kaniyang inang si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
19 Si Jose na kaniyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang paalisin nang lihim si Maria.
20 Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu.
21 Siya ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipangangalan mo sa kaniya ay Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang kasalanan.
22 Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta.
23 Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.
24 Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kaniya ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa.
25 Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Jesus.
 
— Mateo 1:1-25
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


KUNG SAAN SA BIBLIA:
MATATAGPUAN MO...

Ang Kapanganakan ni Jesus:

Mateo 2
Lucas 2

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen