“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Showing posts with label Magliliwaliw_ka. Show all posts
Showing posts with label Magliliwaliw_ka. Show all posts

Tuesday, July 8, 2014

Mga Taga-Galacia 5:1-26

1 Tayo ay pinalaya ni Cristo. Magpakatatag kayo sa kalayaang ito at huwag na ninyong hayaang ang sinuman na dalhin kayong muli sa pamatok ng pagkaalipin.
2 Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: Kapag kayo ay nagpailalaim sa pagtutuli, si Cristo ay walang pakinabang para sa inyo.
3 Muli akong nagpapatotoo sa bawat lalaking nasa ilalim ng pagtutuli, siya ay may pananagutang tuparin ang buong kautusan.
4 Kung kayo ay pinapaging-matuwid ng kautusan, kayo ay napahiwalay na kay Cristo. Nahulog na kayo mula sa biyaya.
5 Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, ayon sa pananampalataya, tayo ay may pananabik na naghihintay sa pag-asa ng katuwiran.
6 Ito ay sapagkat, kay Cristo Jesus, ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli ay walang halaga. Subalit ang may kahalagahan ay ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
7 Mahusay ang inyong pagtakbo. Sino ang humadlang sa inyo upang huwag sundin ang katotohanan?
8 Ang panghihikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo.
9 Ang kaunting pampaalsa ang nagpapaalsa ng buong masa ng harina.
10 Ako ay nagtitiwala sa Panginoon na kayo ay hindi na mag-iisip ng iba pa man. Ang gumagambala sa inyo ay tatanggap ng kaniyang kahatulan, maging sinuman siya.
11 Ngunit mga kapatid, kung ipinapangaral ko pa ang pagiging nasa pagtutuli, bakit pa nila ako pinag-uusig? Kung gayon ay tumigil na ang katitisuran sa krus.
12 Para doon sa mga nanggugulo sa inyo, ang nais ko ay putulin na sila ng lubusan.
13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa't isa.
14 Ito ay sapagkat sa isang salita ay natupad ang buong kasulatan: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
15 Ngunit kung kayo ay magkakagatan at magsasakmalan sa isa't isa, mag-ingat kayo, na hindi ninyo maubos ang isa't isa.
16 Ngunit sinasabi ko: Mamuhay kayo ayon sa Espiritu upang hindi ninyo tuparin ang mga nasa ng laman.
17 Ito ay sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa Espiritu at ang ninanasa ng Espiritu ay laban sa laman. Sila ay magkasalungat sa isa't isa. Ito ay upang hindi mo gawin ang mga bagay na ibig mong gawin.
18 Ngunit yamang kayo ay pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.
19 Ngayon ang mga gawa ng laman ay nahahayag. Ang mga ito ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kahalayan.
20 Mga pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, pag-aalitan, paglalaban-laban, paninibugho, pag-uumapaw sa poot, pagkamakasarili, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi.
21 Mga pagkainggit, pagpatay, paglalasing, magulong pagtitipon at mga bagay na tulad ng mga ito. Ito ay ipina-paunang sabi ko sa inyo katulad ng sinabi ko sa inyo noong una. Ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.
22 Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananampalataya,
23 kaamuan, pagpipigil sa sarili. Walang kautusan laban sa mga bagay na ito.
24 Ngunit naipako na sa krus ng mga na kay Cristo ang laman kasama ang mga masasamang pita at mga pagnanasa nito.
25 Yamang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, nararapat lamang na tayo ay lumakad ng ayon sa Espiritu.
26 Huwag tayong maghangad pa ng karangalang walang kabuluhan na kung hangarin natin ito, magkakainisan at magkakainggitan tayo sa isa't isa.
— Mga Taga-Galacia 5:1-26
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:

KAPAG...

Magliliwaliw ka:

Mateo 15:1-20
2 Mga Taga-Corinto 3

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

2 Mga Taga-Corinto 3:1-18

1 Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo?
2 Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao.
3 Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.
4 Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos.
5 Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos.
6 Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas.
8 Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu?
9 Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran.
10 Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian.
11 Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.
12 Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob.
13 At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas.
14 Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo.
15 Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso.
16 Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin.
17 Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan.
18 Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.
— 2 Mga Taga-Corinto 3:1-18
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:

KAPAG...

Magliliwaliw ka:

Mateo 15:1-20
Mga Taga-Galacia 5

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Mateo 15:1-20

1 Nang magkagayon, lumapit kay Jesus ang mga guro ng kautusan at mga Fariseo na mula sa Jerusalem. Sinabi nila:
2 Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang kaugalian ng mga matanda? Ito ay sapagkat hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain.
3 Sumagot siya sa kanila: Bakit nilalabag din ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong kaugalian?
4 Ito ay sapagkat iniutos ng Diyos na sinasabi: Igalang mo ang iyong ama at ina. Ang sinumang manungayaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay dapat mamatay.
5 Ngunit sinasabi ninyo: Ang sinumang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina: Ang anumang dapat ko sanang ibigay na kapakinabangan sa iyo ay naging kaloob ko na sa Diyos. At sa pamamagitan nito ay wala na siyang pananagutan sa kaniyang ama o sa kaniyang ina.
6 Sa ganitong paraan ay winawalang kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong kaugalian.
7 Kayong mapagpaimbabaw! Tama ang paghahayag ni Isaias sa inyo na sinabi:
8 Lumalapit sa akin ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga bibig at iginagalang nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi. Ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.
9 Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin. Ang aral na kanilang itinuturo ay mga kautusan ng mga tao.
10 Tinawag niya ang napakaraming tao. Sinabi niya sa kanila: Pakinggan ninyo ako at unawain.
11 Ang nakakapagparumi sa isang tao ay hindi ang pumapasok sa bibig kundi ang lumalabas sa bibig. Ito ang nagpaparumi sa isang tao.
12 Nang magkagayon, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kaniya: Alam mo bang natisod ang mga Fariseo pagkarinig nila ng mga pananalitang ito?
13 Ngunit sumagot siya sa kanila: Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin.
14 Pabayaan ninyo sila. Sila ay mga bulag na umaakay sa mga bulag. Kapag ang bulag ang aakay sa bulag, kapwa silang mahuhulog sa hukay.
15 Nang magkagayon, sinabi ni Pedro sa kaniya: Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang ito.
16 Sinabi ni Jesus: Wala pa rin ba kayong pang-unawa?
17 Hindi pa ba ninyo alam na ang anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan? Pagkatapos, hindi ba idinudumi ito sa palikuran?
18 Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Ang mga ito ang nagpaparumi sa tao.
19 Ito ay sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang pag-iisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, ang pakikiapid, mga pagnanakaw, mga walang katotohanang pagsaksi at mga pamumusong.
20 Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa isang tao. Ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain ay hindi nagpaparumi sa isang tao.
— Mateo 15:1-20
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:

KAPAG...

Magliliwaliw ka:

2 Mga Taga-Corinto 3
Mga Taga-Galacia 5

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen