“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Showing posts with label May_kagalit_ka. Show all posts
Showing posts with label May_kagalit_ka. Show all posts

Monday, July 21, 2014

Mga Taga-Colosas 1:1-29

1 Akong si Pablo ay apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at ang ating kapatid na si Timoteo.
2 Ako ay sumusulat sa mga banal at mga tapat na kapatid kay Cristo na nasa Colosas. Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesucristo.
3 Nagpapasalamat kami sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Kayo ay patuloy naming idinadalangin.
4 Nagpapasalamat kami sa Diyos sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananampalataya kay Cristo Jesus at ang patungkol sa pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal.
5 Ang pananampalataya at pag-ibig na ito ay dahil sa pag-asang nakalaan para sa inyo sa kalangitan, na una ninyong narinig sa salita ng katotohanan ng ebanghelyo.
6 Dumating ito sa inyo, tulad ng pagdating nito sa buong sanlibutan. Ito ay nagbubunga gaya rin naman ng pagbubunga sa inyo mula nang araw na inyong marinig at malaman ang biyaya ng Diyos sa katotohanan.
7 Ito ay katulad ng natutunan ninyo kay Epafras, ang minamahal naming kapwa-alipin, na tapat na tagapaglingkod ni Cristo para sa inyo.
8 Siya rin ang nagsabi sa amin sa pamamagitan ng Espiritu patungkol sa inyong pag-ibig.
9 Dahil din naman dito, mula nang araw na marinig namin ito, wala na kaming tigil sa pananalangin para sa inyo. Hinihiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at espiritwal na pagkaunawa.
10 Ito ay upang mamuhay kayong karapat-dapat sa Panginoon sa buong kaluguran, at upang kayo ay mamunga sa bawat gawang mabuti at lumalago sa kaalaman ng Diyos.
11 At upang kayo ay lumakas sa kapangyarihan ayon sa kapangyarihan ng kaniyang kaluwalhatian sa buong pagtitiis at pagtitiyaga na may kagalakan.
12 Magpasalamat kayo sa Ama na nagpaging-dapat sa atin na maging kabahagi ng mana ng mga banal sa kaliwanagan.
13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapamahalaan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang pinakamamahal na Anak.
14 Sa kaniya ay mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan.
15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha.
16 Ito ay sapagkat sa pamamagitan niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi nakikita. Ito man ay mga luklukan, o mga paghahari, o mga pamunuan, o mga pamamahala. Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kaniya.
17 At siya ay nauna sa lahat ng bagay at sa pamamagitan niya ay nananatiling buo ang lahat ng mga bagay.
18 At siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay upang siya ang maging kataas-taasan sa lahat ng bagay.
19 Ikinalugod ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahan sa kaniya.
20 Nagdala siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo na nabuhos sa krus. Sa pamamagitan niya ikinalugod ng Ama na ipagkasundo sa kaniyang sarili ang lahat ng mga bagay sa lupa, o sa lahat ng mga bagay sa langit.
21 At kayo na dating banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa inyong pag-iisip at dahil sa inyong masasamang gawa ay ipinagkasundo ngayon.
22 Ito ay sa katawan ng kaniyang laman sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan upang kayo ay maiharap na banal at walang kapintasan at walang maipaparatang sa kaniyang paningin.
23 Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mula sa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.
24 Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap ni Cristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya.
25 Dahil dito naging tagapaglingkod ako ayon sa pangangasiwa na mula sa Diyos, na ibinigay sa akin para sa inyong kapakinabangan upang ganapin ko ang Salita ng Diyos.
26 Ito ang hiwagang inilihim mula pa sa nakaraang kapanahunan at mula sa mga lahing nakaraan, ngunit ngayon ay ipinahayag sa kaniyang mga banal.
27 Sa kanila ay ipinasya ng Diyos na ipakilala ang kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na sumasainyo, ang pag-asa sa kaluwalhatian.
28 Siya ang aming ipinahahayag. Binibigyan namin ng babala at tinuturuan ang bawat tao ng lahat ng karunungan, upang maiharap naming sakdal ang bawat tao kay Cristo Jesus.
29 Dahil dito, nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa kaniyang paggawa na gumagawang may kapangyarihan sa akin.
— Mga Taga-Colosas 1:1-29
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:

KAPAG...

Dumanas ka ng matinding kabiguan:

1 Pedro 1

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Tuesday, July 8, 2014

Santiago 4:1-17

1 Saan nagmula ang mga pag-aaway at mga paglalaban-laban sa inyo? Hindi ba ito ay nagmula sa inyong mga pagnanasa sa kalayawan na nag-aaway sa inyong katawan?
2 May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkakaroon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nagkakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi.
3 Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan.
4 Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos.
5 Sinasabi ng kasulatan: Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho. Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?
6 Ngunit tayo ay binigyan niya ng higit pang biyaya. Dahil dito sinabi niya: Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
7 Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay lalayo sa inyo.
8 Magsilapit kayo sa Diyos at siya ay lalapit sa inyo. Kayong mga makasalanan, linisin ninyo ang inyong mga kamay. Kayong mga taong nagdadalawang-isip, dalisayin ninyo ang inyong mga puso.
9 Magdalamhati kayo, maghinagpis kayo at tumangis kayo. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagdadalamhati. Palitan ninyo ang inyong katuwaan ng kalungkutan.
10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at kayo ay itataas niya.
11 Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa't isa. Ang gumagawa nito at humahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita ng masama laban sa kautusan at humahatol sa kautusan. Kung hinahatulan mo ang kautusan, hindi ka tagatupad ng kautusan. Ikaw ay tagahatol.
12 Iisa lamang ang nagbigay ng kautusan. Siya ang makakapagligtas at makakapuksa. Sino ka upang humatol sa iba?
13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo.
14 Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho.
15 Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay.
16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama.
17 Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.
— Santiago 4:1-17
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KAPAG...

May kagalit ka:

Mateo 18
Efeso 4
 

SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

May lihim kang galit sa iba:

Lucas 6
2 Mga Taga-Corinto 4
Mga Taga-Efeso 4
 

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Mga Taga-Efeso 4:1-32

1 Ako na bilanggo sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo nang nararapat sa tawag na itinawag sa inyo.
2 Mamuhay kayong may buong kapakumbabaan at kaamuan na may pagtitiis. Magbatahan kayo sa isa't isa sa pag-ibig.
3 Pagsikapan ninyong panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod na kapayapaan.
4 Mayroong isang katawan at isang Espiritu kung papaanong tinawag din kayo sa isang pag-asa ng inyong pagkatawag.
5 Mayroong isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bawtismo.
6 Mayroong isang Diyos at Ama ng lahat na nakakahigit sa lahat. Siya ay nasa lahat at nasa inyong lahat.
7 Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo.
8 Kaya nga, sinabi niya: Sa kaniyang pag-akyat sa itaas ay kinuha niya ang maraming bihag at nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.
9 Nang sinabing siya ay umakyat, ano ang kahulugan niyon? Hindi ba ito ay nangangahulugang siya rin ay bumaba muna sa mababang dako ng lupa?
10 Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa itaas ng lahat ng mga langit upang kaniyang puspusin ang lahat ng mga bagay.
11 Ibinigay niya na maging mga apostol ang ilan, ang ilan ay maging mga propeta, ang ilan ay maging mga mangangaral ng ebanghelyo at ang ilan ay maging mga pastor at mga guro.
12 Ito ay upang maging handa ang mga banal para sa gawaing paglilingkod at para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.
13 Ito ay hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa tayo ay maging sakdal, hanggang sa tayo ay lumaki sa pinakasukat ng kataasan ng kapuspusan ni Cristo.
14 Ito ay upang hindi na tayo maging mga bata na sinisiklot at tinatangay kung saan-saan ng bawat hangin ng katuruan. Ito ay sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao at ng katusuhan na naghahatid patungo sa mapanlinlang na kaparaanan.
15 Sa halip, panatilihin natin ang katotohanan ayon sa pag-ibig upang lumago tayo sa lahat ng mga bagay kay Cristo, na siya ang ulo.
16 Sa kaniya ang buong katawan ay inihugpong at pinag-isa ng itinutustos ng bawat dugtong ayon sa sukat ng paggawa ng bawat isang bahagi. Kaya nga, ang paglago ng katawan ay gumagawa sa ikatitibay ng kaniyang sarili niya sa pag-ibig.
17 Kaya nga, sinasabi ko ito at pinatotohanan sa Panginoon na huwag na kayong mamuhay tulad ng ibang mga Gentil na namuhay sa kanilang pag-iisip na walang kabuluhan.
18 Ang kanilang pang-unawa ay nadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso.
19
Sa kanilang kawalan ng pakiramdam ay isinuko nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan upang magawa nila ang lahat ng karumihan na may kasakiman.
20 Ngunit hindi sa ganoong paraan kayo natuto patungkol kay Cristo.
21 Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus.
22 Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa.
23 Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan.
24 At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan.
25 Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa.
26 Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot.
27 Huwag din ninyong bigyan ng puwang ang diyablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.
29 Huwag ninyong pabayaang mamutawi sa inyong mga bibig ang anumang bulok na salita. Subalit kung mayroon man, ay mamutawi yaong mabuti na kagamit-gamit sa ikatitibay upang ito ay makapagbigay biyaya sa nakikinig.
30 Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamamagitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan.
31 Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin.
32 Maging mabait kayo sa isa't isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isa't isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.
— Mga Taga-Efeso 4:1-32
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KAPAG...

May kagalit ka:

Mateo 18
Santiago 4
 

SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

May lihim kang galit sa iba:

Lucas 6
2 Mga Taga-Corinto 4 

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Mateo 18:1-35

1 Nang oras na iyon, lumapit ang mga alagad kay Jesus na sinasabi: Sino ang pinakadakila sa paghahari ng langit?
2 Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at inilagay sa kalagitnaan nila.
3 Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay magbago at tumulad sa maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.
4 Kaya nga, ang sinumang magpapakumbaba katulad ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa paghahari ng langit.
5 Sinumang tumanggap sa isa sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, ako ang tinatanggap.
6 Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat.
7 Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod. Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod.
8 Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan.
9 Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.
10 Ingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: Ito ay sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama na nasa langit.
11 Ito ay sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang iligtas ang nawawala.
12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isangdaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu't siyam at aakyat sa mga bundok at hahanapin ang naligaw?
13 Kapag natagpuan niya ito, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Higit niyang ikagagalak ang patungkol sa natagpuang tupang naligaw kaysa sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
14 Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.
15 Gayunman, kapag ang iyong kapatid na lalaki ay magkasala sa iyo, puntahan mo siya, sabihin mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lang. Kung pakinggan ka niya, napanumbalik mo ang iyong kapatid.
16 Ngunit kung ayaw ka niyang pakinggan, magsama ka ng isa o dalawa pa upang sa bibig ng dalawa o tatlo pang mga saksi, ang bawat salita ay mapagtibay.
17 Kung ayaw niya silang pakinggan, sabihin ito sa iglesiya. At kung ang iglesiya man ay ayaw niyang pakinggan, ituring mo na siyang Gentil o maniningil ng buwis.
18 Sinasabi ko sa inyo ang totoo: Anuman ang inyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang inyong kakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
19 Muli kong sinasabi sa inyo: Kapag ang dalawa sa inyo ay magkaisa rito sa lupa sa paghingi ng anumang bagay, ipagkakaloob ito sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
20 Ito ay sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.
21 Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?
22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
23 Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin.
24 Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento.
25 Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad.
26 Ang alipin nga ay lumuhod at sinamba siya na sinasabi: Panginoon, pagpasensyahan mo muna ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
27 Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28 Ngunit paglabas ng alipin ding iyon, nakita niya ang kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isangdaang denaryo. Hinawakan niya ito at sinakal na sinabi: Bayaran mo ang utang mo sa akin.
29 Ang kaniyang kapwa alipin ay nagpatirapa sa kaniyang paanan. Nagmakaawa siya sa kaniya na sinasabi: Pagpasensyahan mo ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
30 Ngunit ayaw niyang pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa makabayad ng kaniyang utang.
31 Kaya nang makita ng mga kapwa niya alipin ang nangyari, labis silang namighati. Lumapit sila sa kanilang panginoon at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
32 Kaya, nang maipatawag na siya ng kaniyang panginoon, sinabi sa kaniya: O, ikaw na masamang alipin, pinatawad ko ang lahat mong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin.
33 Hindi ba nararapat na mahabag ka rin sa iyong kapwa alipin katulad nang pagkahabag ko sa iyo?
34 Sa matinding galit ng kaniyang panginoon, ibinigay siya sa mga tagapagpahirap sa bilangguan hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang utang.
35 Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo nagpatawad nang taos sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang.
— Mateo 18:1-35
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KAPAG...

May kagalit ka:

Efeso 4
Santiago 4
 

SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

May lihim kang galit sa iba:

Lucas 6
2 Mga Taga-Corinto 4
Mga Taga-Efeso 4  

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen