“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Showing posts with label Nais_mong_malaman_ang_paraan_ng_pagdalangin. Show all posts
Showing posts with label Nais_mong_malaman_ang_paraan_ng_pagdalangin. Show all posts

Tuesday, July 22, 2014

Juan 4:1-45

1 Nalaman ng Panginoon na narinig ng mga Fariseo ang ginagawa ni Jesus. Narinig nila na siya ay nagkaroon ng higit na maraming alagad kaysa kay Juan at binawtismuhan niya sila.
2 Bagamat, hindi si Jesus ang siyang nagbabawtismo, kundi ang kaniyang mga alagad.
3 Dahil dito, umalis siya sa Judea at pumunta muli sa Galilea.
4 Kinakailangang dumaan siya sa Samaria.
5 Pumunta nga siya sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
6 Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon. Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw.
7 Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom.
8 Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain.
9 Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.
11 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay?
12 Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop.
13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw.
14 Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan.
15 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok.
16 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
17 Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa.
18 Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
19 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta.
20 Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem.
21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem.
22 Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio.
23 Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya.
24 Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan.
25 Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
27 Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
28 Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki:
29 Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas?
30 Lumabas nga sila sa lungsod at pumunta kay Jesus.
31 Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
32 Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.
33 Sinabi ng mga alagad sa isa't isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain?
34 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.
35 Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin.
36 Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak.
37 Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani.
38 Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran.
39 Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.
40 Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw.
41 Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
42 Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
43 Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at pumunta sa Galilea.
44
Ito ay sapagkat si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan.
45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na pumunta rin sa kapistahan. Ito ay sapagkat nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa panahon ng kapistahan.
— Juan 4:1-45
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 

Label: Nais mong parangalan ang Diyos

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Lucas 18:1-43

1 Nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila upang ipabatid sa kanila na kinakailangang manalangin lagi at huwag manghina.
2 Sinabi niya: Sa isang lungsod ay may isang hukom. Hindi siya natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang tao.
3 Sa lungsod na iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa kaniya. Sinasabi nito: Ipaghiganti mo ako sa aking kalaban.
4 Sa ilang panahon, ang hukom ay umayaw. Sa bandang huli, sinabi niya sa kaniyang sarili: Hindi ko kinatatakutan ang Diyos at wala akong iginagalang na tao.
5 Ngunit ipaghihiganti ko ang balong ito, kung hindi, papagurin niya ako sa kaniyang patuloy na pagparito.
6 Sinabi ng Panginoon: Dinggin ninyo kung ano ang sinasabi ng di-makatarungang hukom.
7 Hindi ba ipaghihiganti ng Diyos ang kaniyang mga pinili na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya mapagpasensiya ng lubos sa kanila?
8 Sinasabi ko sa inyo: Agad niya silang ipaghihiganti. Magkagayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?
9 May ilang mga nagtiwala sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at hinamak nila ang iba. Sa kanila ay sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito.
10 Dalawang lalaki ang umahon sa templo upang manalangin. Ang isa ay Fariseo at ang isa ay maniningil ng buwis.
11 Tumayo ang Fariseo at nanalangin siya sa kaniyang sarili ng ganito: Diyos, pinasasalamatan kita na hindi ako katulad ng ibang tao. Hindi ako katulad nila na mga mangingikil, mga hindi matuwid at mga mangangalunya. Hindi rin ako katulad ng maniningil ng buwis na ito.
12 Dalawang ulit akong nag-aayuno sa loob ng isang linggo. Nagbibigay ako ng ikapu sa lahat ng bagay na aking tinatangkilik.
13 Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay hindi man lamang niya itinataas ang kaniyang paningin sa langit, sa halip ay kaniyang binabayo ang kaniyang dibdib. Sinabi niya: Diyos, pagkalooban mo ako ng iyong habag, ako na isang makasalanan.
14 Sinasabi ko sa inyo: Ang taong ito ay umuwi sa kaniyang bahay na pinaging-matuwid at ang isa ay hindi. Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at ang bawat isang nagpapakumbaba ay itataas.
15 Dinala rin nila sa kaniya ang mga sanggol upang mahipo niya. Ngunit ng makita ito ng mga alagad, sinaway nila sila.
16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi: Pahintulutan ninyong lumapit sa akin ang mga maliliit na bata sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila.
17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi kailanman makakapasok doon.
18 Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya na sinasabi: Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ako ng buhay na walang hanggan?
19 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinumang mabuti maliban sa isa, ang Diyos.
20 Alam mo ang mga utos. Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay. Huwag kang magnanakaw, huwag kang magbibigay ng maling patotoo. Igalang mo ang iyong ama at ina.
21 Sinabi niya: Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinunod ko mula pa sa aking kabataan.
22 Pagkarinig ni Jesus sa mga bagay na ito, sinabi niya sa kaniya: Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat mong pag-aari gaano man karami ito. Ipamahagi mo sa mga dukha at ikaw ay magkakaroon ng kayamanan sa langit. Halika, sumunod ka sa akin.
23 Pagkarinig niya ng mga bagay na ito, lubha siyang nagdalamhati sapagkat napakayaman niya.
24 Nakita ni Jesus na siya ay lubhang nagdalamhati. Sa pagkakita niya, kaniyang sinabi: Napakahirap para sa kanilang may kayamanan ang makapasok sa paghahari ng Diyos.
25 Ang dumaan sa butas ng isang karayom ay higit na madali para sa isang kamelyo kaysa sa isang lalaking mayaman na makapasok sa paghahari ng Diyos.
26 Ang mga nakarinig ay nagsabi: Sino nga ang maaaring maligtas?
27 Sinabi ni Jesus: Ang mga bagay na hindi maaaring gawin ng tao ay maaaring gawin ng Diyos.
28 Sinabi ni Pedro: Narito, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.
29 Sinabi niya sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May mga taong nag-iwan ng tahanan, o magulang, o mga kapatid, o asawang babae, o mga anak para sa paghahari ng Diyos.
30 Ang sinumang nag-iwan ng mga ito ay tatanggap ng lalong higit sa kapanahunang ito. Tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na kapanahunan.
31 Pagkatipon ni Jesus sa kaniyang labindalawang alagad, sinabi niya sa kanila: Narito, aahon tayo sa Jerusalem. Magaganap ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta patungkol sa Anak ng Tao.
32 Ito ay sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil at siya ay kukutyain, aalimurain at duduraan.
33 Siya ay kanilang hahagupitin at papatayin at sa ikatlong araw, siya ay muling babangon.
34 Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito. Ang pananalitang ito ay naitago mula sa kanila at hindi nila alam kung ano ang kahulugan ng sinabi.
35 Papalapit na siya sa Jerico. Nangyari, na may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan na namamalimos.
36 Nang marinig niya ang maraming taong nagdadaan, tinanong niya kung ano ito.
37
Sinabi nila sa kaniya: Si Jesus na taga-Nazaret ay dumadaan.
38 Ang bulag ay sumigaw. Sinabi niya: Jesus, anak ni David, kahabagan mo ako.
39 Sinaway siya ng mga nauuna at pinatahimik ngunit lalo pa siyang sumigaw: Anak ni David, kahabagan mo ako.
40 Tumigil si Jesus at iniutos na dalhin siya sa kaniya. Sa paglapit ng bulag, tinanong siya ni Jesus:
41 Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo. Sinabi niya: Panginoon, ibig kong makakita.
42 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Makakita ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.
43 Kaagad-agad, nakakita siya at sumunod sa kaniya na nagluluwalhati sa Diyos. Ang lahat ng mga taong nakakita ay nagpuri sa Diyos.
 
— Lucas 18:1-43
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG....

Nais mong malaman ang paraan ng pagdalangin:

Lucas 11

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Lucas 11:1-54

1 Nangyari na si Jesus ay nananalangin sa isang dako, nang siya ay makatapos, isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi: Panginoon, turuan mo kaming manalangin tulad ng pagturo ni Juan sa kaniyang mga alagad.
2 Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: Aming Ama na nasa langit, pakabanalin ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong paghahari. Mangyari ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, maging gayundin sa lupa.
3 Ibigay mo sa amin ang kailangan naming tinapay sa bawat araw.
4 Patawarin mo kami sa mga pagkakasala namin. Ito ay sapagkat kami rin ay nagpapatawad sa bawat isang may utang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, subalit iligtas mo kami mula sa masama.
5 Sinabi niya sa kanila: Sino sa inyo ang may kaibigan at pupuntahan siya sa hatinggabi. At sasabihin sa kaniya: Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay.
6 Ito ay sapagkat siya ay kaibigan ko, na sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa akin. Wala akong maihain sa kaniya.
7 Siya na nasa loob ay sasagot at sasabihin: Huwag mo akong gambalain. Nakapinid na ang pinto at kami ng aking mga anak ay natutulog na. Hindi na ako makakabangon upang magbigay sa iyo.
8 Sinasabi ko sa inyo: Bagamat siya ay babangon at magbibigay sa kaniya dahil siya ay kaibigan niya, siya ay babangon at ibibigay sa kaniya ang anumang kailangan niya. Ito ay dahil sa kaniyang pamimilit.
9 Sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo at iyon ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at makakasumpong kayo. Kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan.
10 Sapagkat ang bawat isang humihingi ay tumatanggap, ang naghahanap ay nakakasumpong, at ang kumakatok ay pagbubuksan.
11 Sinong ama sa inyo ang magbibigay ng bato sa anak na humihingi ng tinapay? Kung humingi ng isda, ang ibibigay ba niya sa kaniya ay ahas sa halip na isda?
12
Kapag siya ay humingi ng itlog, bibigyan ba niya siya ng isang alakdan?
13 Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa kaniya?
14 Si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo, iyon ay pipi. Nangyari, nang lumabas ang demonyo, ang pipi ay nagsalita at ang mga tao ay namangha.
15 Ang ilan sa kanila ay nagsabi: Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.
16 Sinusubok siya ng ibang mga tao kaya hinahanapan nila siya ng tanda mula sa langit.
17 Alam niya ang kanilang iniisip. Dahil dito, sinabi niya sa kanila: Ang bawat paghaharing nahati laban sa kaniyang sarili ay napupunta sa kapanglawan. Ang sambahayang nahati laban sa sambahayan ay bumabagsak.
18 Kung si Satanas ay nahahati laban sa kaniyang sarili, papaano makakatayo ang kaniyang paghahari. Sinabi ko ito dahil sinabi ninyong ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub.
19 Kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Sa pamamagitan nito sila ang magiging tagapaghatol ninyo.
20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, ang paghahari ng Diyos ay dumating sa inyo.
21 Kung ang isang lalaking malakas ay nasasandatahan upang magbantay ng kaniyang tinitirahan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas.
22 Ngunit sa pagdating ng higit na malakas kaysa sa kaniya, siya ay malulupig. Kukunin nito ang buong baluting pinagtitiwalaan niya at hahatiin ang mga naagaw sa kaniya.
23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.
24 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko.
25 Sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong nawalisan at nagayakan na.
26 Kung magkagayon, paroroon siya at magsasama ng pito pang espiritu na higit pang masama kaysa sa kaniya. Papasok sila roon at doon maninirahan. Kaya ang kalagayan ng lalaking iyon ay masahol pa kaysa sa una.
27 Nangyari, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaeng mula sa karamihan ang sumigaw. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga susong sinusuhan mo.
28 Sinabi ni Jesus: Oo, ang totoo ay pinagpala ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sumusunod dito.
29 Nang nagkatipon ang napakaraming tao, siya ay nagsimulang magsalita. Sinabi niya: Ang lahing ito ay masama. Mahigpit na naghahangad sila ng tanda. Walang tanda na ibibigay sa kanila maliban ang tanda ni Jonas na propeta.
30 Kung papaanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa lahing ito.
31 Ang reyna ng timog ay titindig sa paghuhukom kasama ang mga lalaki ng lahing ito at siya ang hahatol sa lahing ito. Ito ay sapagkat galing siya sa kadulu-duluhan ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon ay naririto.
32 Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at hahatulan nila ang lahing ito, sapagkat ang mga lalaki ng Nineve ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Narito, isang lalong higit kaysa kay Jonas ay naririto na.
33 Walang sinumang nagsindi ng ilawan na pagkasindi nito ay ilalagay sa lihim na dako, o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ito ay inilalagay sa lagayan ng ilawan upang ang liwanag ay makita ng mga pumapasok.
34 Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya nga, kung malinaw ang mata mo, ang buong katawan mo ay naliliwanagan. Kung ito rin naman ay masama, ang katawan mo ay madidimlan din.
35 Tingnan mo ngang mabuti na ang liwanag na nasa iyo ay hindi maging kadiliman.
36 Ang katawan mo ay mapupuno ng liwanag. Ito ay kung ang buong katawan mo nga ay puno ng liwanag na walang anumang bahaging madilim. Ito ay matutulad sa pagliliwanag sa iyo ng maliwanag na ilawan.
37 Samantalang nagsasalita siya, hiniling ng isang Fariseo na siya ay kumaing kasalo niya. Sa pagpasok niya, dumulog siya sa hapag. ]
38 Ngunit namangha ang Fariseo nang makita siyang hindi muna naghuhugas bago kumain.
39 Sinabi ng Panginoon sa kaniya: Ngayon, kayong mga Fariseo ay naglilinis ng labas ng saro at pinggan. Ngunit ang nasa loob naman ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan.
40 Mga hangal! Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob?
41 Ibahagi ninyo sa mga kahabag-habag ang bagay na nasa inyo at narito, ang lahat ng mga bagay ay magiging malinis para sa inyo.
42 Sa aba ninyo, mga Fariseo! Ito ay sapagkat nagbabayad kayo ng ikasampung bahagi ng yerbabuwena, ruda at lahat ng uri ng halaman. Subalit nilalampasan naman ninyo ang hatol at pag-ibig ng Diyos. Ang mga ito ang dapat ninyong ginawa at huwag pabayaan ang iba.
43 Sa aba ninyo, mga Fariseo! Ito ay sapagkat iniibig ninyo ang mga pangunahaing upuan sa mga sinagoga. At iniibig ninyo ang mga pagbati sa mga pamilihang-dako.
44 Sa aba ninyo, mga guro ng kautusan at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Ito ay sapagkat kayo ay tulad ng mga puntod na hindi pinapansin. Hindi nalalaman ng mga tao na sila ay lumalakad sa ibabaw nito.
45 Isa sa mga dalubhasa sa kautusan ang sumagot sa kaniya. Guro, sa pagsasabi mo ng mga bagay na ito, inaalipusta mo rin kami.
46 Sinabi niya: Sa aba rin ninyo na mga dalubhasa sa kautusan! Sapagkat pinagpapasan ninyo ang mga tao ng mga pasanin na napakabigat pasanin. Ang mga pasaning ito ay hindi ninyo hinihipo ng isa man lamang ng inyong daliri.
47 Sa aba ninyo! Sapagkat nagtatayo kayo ng mga puntod ng mga propeta at sila ay pinatay ng inyong mga ninuno.
48 Sa ganito, kayo ay nagpapatotoo at sumasang-ayon sa mga gawa ng inyong mga ninuno sapagkat totoo ngang sila ay kanilang pinatay at kayo ang nagtayo ng kanilang mga puntod.
49 Dahil din dito, ayon sa kaniyang karunungan ay sinabi ng Diyos: Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol. Ang ilan sa mga ito ay kanilang papatayin at ang ilan ay kanilang palalayasin.
50 Sisingilin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta na nabuhos mula pa ng itatag ang sanlibutang ito.
51 Ang sisingilin ay simula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias. Si Zacarias ay pinatay sa pagitan ng dambana at dakong banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ay sisingilin sa lahing ito.
52 Sa aba ninyo, mga dalubhasa sa kautusan. Ito ay sapagkat kinuha ninyo ang susi ng kaalaman, hindi kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga pumapasok.
53 Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito sa kanila, sinimulan siyang tuligsain ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo. Pinilit nila siyang magsalita ng patungkol sa maraming bagay.
54 Binabantayan nila siya at naghahanap ng pagkakataon na makahuli ng ilang mga bagay mula sa kaniyang bibig. Ginagawa nila ito upang may maiparatang sila sa kaniya.
 
— Lucas 11:1-54
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
SA PANAHONG....

Nais mong malaman ang paraan ng pagdalangin:

Lucas 18

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen