8
Sa magkabi-kabila, sinisiil kami, ngunit hindi nagigipit, naguguluhan kami ngunit
hindi lubos na nanghihina.
9 Inuusig kami ngunit hindi pinababayaan, nabubuwal ngunit hindi nawawasak.
10 Taglay naming lagi sa aming katawan ang kamatayan ng Panginoong Jesus upang
maipakita rin sa aming katawan ang buhay ni Jesus.
11 Ito ay sapagkat kami na nabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan
alang-alang kay Cristo. Ito ay upang ang buhay rin naman ni Jesus ay makita sa
aming katawang may kamatayan.
12
Kaya nga, ang kamatayan ay gumagawa sa amin, ngunit ang buhay ay gumagawa sa
inyo.
13 Sa pagkakaroon ng iisang espiritu ng pananampalataya, ayon sa nasusulat:
Ako ay sumampalataya, kaya ako ay nagsalita. Kami ay sumampalataya, kaya kami
rin ay nagsalita.
14 Alam namin na siya na nagbangon sa Panginoong Jesus ay siya
ring magbabangon sa amin sa pamamagitan ni Jesus at ihaharap na kasama ninyo.
15 Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay alang-alang sa inyo upang ang
biyaya na sumasagana sa marami ay magparami ng pasasalamat para sa kaluwalhatian
ng Diyos.
16 Dahil dito, hindi kami nanghihina. Subalit kung ang aming panlabas na
katauhan ay nabubulok, ang aming panloob na katauhan naman ay binabago sa
araw-araw.
17 Ito ay sapagkat ang panandaliang kagaanan ng aming paghihirap ay magdudulot
sa amin ng lalong higit na timbang ng walang hanggang kaluwalhatian.
18 Hindi namin isinasaalang-alang ang mga bagay na nakikita kundi ang mga bagay
na hindi nakikita sapagkat ang mga bagay nga na nakikita ay pansamantala ngunit
ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.
— 2 Mga Taga-Corinto 4:8-18
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng
Bibles
International)
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
2 Mga Taga-Corinto 4:8-18 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia
SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...
Mateo 5:11-12
Mga Taga-Filipos 4:4-7
No comments:
Post a Comment