Sunday, December 16, 2012

Lucas 8:22-25

22 At isang araw, nangyari na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila: Pumunta tayo sa kabilang ibayo ng lawa. At sila ay pumalaot.
23 Habang sila ay naglalayag, si Jesus ay nakatulog. Dumating ang isang unos sa lawa. Sila ay nanganib sapagkat napupuno ng tubig ang bangka.
24 Pagpunta nila sa kaniya, siya ay ginising nila. Kanilang sinabi: Guro, Guro, mapapahamak kami! Paggising niya, sinaway niya ang hangin at alon ng tubig. Tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapayapaan.
25 Sinabi niya sa kanila: Nasaan ang inyong pananampalataya? Sila ay natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa: Sino ang taong ito na kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya at sinusunod siya ng mga ito?
— Lucas 8:22-25
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng Bibles International)

Label:  Nasusuong sa Sakuna


Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan

Lucas 8:22-25 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia


Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

No comments:

Post a Comment