22
Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang
kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo
ng dagatdagatan: at sila'y nagsitulak.
23
Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang
isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at
nangasa kapanganiban.
24
At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro,
guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang
galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.
25
At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y
nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito,
na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
— Lucas 8:22-25
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment