25 Dahil dito,
sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong
kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit
pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit?
26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas,
ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit.
Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila?
27 Sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang
tangkad?
28 Bakit kayo nababalisa patungkol sa damit? Masdan ninyo ang mga liryo sa
parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni humahabi man.
29 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kahit si Solomon, sa lahat ng kaniyang
kaluwalhatian, ay hindi nakapaggayak katulad ng isa sa mga ito.
30 Dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay
susunugin. Kung dinaramtan niya ang damo sa ganoong paraan, hindi ba niya kayo
daramtan, kayong maliliit ang pananampalataya?
31 Kaya nga, huwag kayong mabalisa at inyong sasabihin: Ano ang aming kakainin,
ano ang aming iinumin at ano ang aming daramtin?
32 Ang mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga Gentil. Alam ng inyong
Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
33 Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran,
at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.
34 Huwag nga kayong mabalisa patungkol sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan
ang mababalisa sa kaniyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang kasamaan nito.
— Mateo 6:25-34
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng
Bibles
International)
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Mateo 6:25-34 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia
SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...
HUMAHARAP SA KAGIPITAN:
Hebreo 4:16
No comments:
Post a Comment