1
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi: Ama
ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak at nang luwalhatiin ka
rin naman ng Anak.
2
Kung paanong binigyan mo siya ng kapamahalaan sa
lahat ng tao, sa gayunding paraan siya ay magbibigay ng buhay na walang hanggan
sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 Ito ang buhay na
walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si
Jesucristo na iyong sinugo.
4 Niluwalhati kita sa
lupa. Ginanap ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking gawin.
5 Ngayon, Ama,
luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka
bago pa likhain ang sanlibutan.
6 Ipinahayag ko ang
iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sangkatauhan. Sila ay
iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay alam nila
na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo.
8 Ito ay sapagkat
ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang
mga ito. Totoong alam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na
ikaw ang nagsugo sa akin.
9 Ipinapanalangin ko
sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sangkatauhan kundi sila na ibinigay mo sa
akin sapagkat sila ay iyo.
10 Ang lahat ng sa
akin ay iyo at ang mga sa iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila.
11 Ngayon ay wala na
ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo.
Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin.
Ingatan mo sila upang sila ay maging isa, kung papaanong tayo ay isa.
12 Nang ako ay kasama
nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyong pangalan. Ang mga ibinigay mo
sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang napahamak maliban sa
kaniya na anak ng kapahamakan upang ang kasulatan ay matupad.
13 Pupunta ako sa iyo
ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sanlibutan upang ang aking
kagalakan ay malubos sa kanila.
14 Ibinigay ko sa
kanila ang iyong salita. Sila ay kinapootan ng sangkatauhan dahil sila ay hindi
taga-sanlibutan, tulad ko rin na hindi taga-sanlibutan.
15 Hindi ko
idinadalangin na kunin mo sila sa sanlibutan kundi ingatan mo sila mula sa
kaniya na masama.
16 Sila ay hindi
taga-sanlibutan tulad ko na hindi taga-sanlibutan.
17 Pakabanalin mo
sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katotohanan.
18 Kung papaanong
sinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman sinugo ko sila sa sanlibutan.
19 Para sa kanilang
kapakanan pinabanal ko ang aking sarili upang sila ay maging banal din naman sa
pamamagitan ng katotohanan.
20 Hindi lamang sila
ang aking mga idinadalangin. Idinadalangin ko rin naman ang mga sasampalataya sa
akin sa pamamagitan ng salita nila.
21 Idinadalangin ko
na sila ay maging isa, Ama, tulad mo na sumasa akin at ako ay sumasa iyo.
Idinadalangin ko na silang lahat ay maging isa sa atin, upang ang sangkatauhan
ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
22 Ang kaluwalhatian
na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa tulad
natin na isa.
23 Ako ay nasa kanila
at ikaw ay nasa akin upang sila ay maging ganap na isa at upang malaman ng
sangkatauhan na isinugo mo ako. At malaman din nila na iniibig mo sila tulad ng
pag-ibig mo sa akin.
24 Ama, nais ko na
ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko sa kinaroroonan ko. Ito ay upang
mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na iyong ibinigay sa akin. Sapagkat
iniibig mo na ako bago pa itinatag ang sanlibutan.
25 Amang matuwid,
hindi ka nakilala ng sangkatauhan. Ngunit nakikilala kita at alam ng mga ito na
ako ay sinugo mo.
26
Inihayag ko sa kanila ang iyong pangalan at
ihahayag pa, upang ang pag-ibig mo, na kung saan ay inibig mo ako, ay
mapasakanila at ako ay sumakanila.
— Juan 17:1-26
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 ng
Bibles
International)
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Juan 17:1-26 sa salin na Ang Biblia 1905 / Ang Dating Biblia
SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...
SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
SA PANAHONG...
Juan
11
2 Mga Taga-Corinto 5
1 Juan 3
Pahayag 14
No comments:
Post a Comment