1
Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata,
yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay;
2
(At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming
ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin
ay nahayag);
3
Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo
naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama,
at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4
At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay
malubos.
5
At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na
ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6
Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa
kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7
Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may
pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang
Anak sa lahat ng kasalanan.
8
Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili,
at ang katotohanan ay wala sa atin.
9
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na
tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng
kalikuan.
10
Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling
siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
—
1 Juan 1:1-10
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment