31
Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin,
sino ang laban sa atin?
32
Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa
ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga
bagay?
33
Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang
umaaring-ganap;
34
Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga
patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin.
35
Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang
kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutuman, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang
tabak?
36
Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang
na parang mga tupa sa patayan.
37
Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay
sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38
Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay,
kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan,
kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39
Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay
hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na
Panginoon natin.
— Mga Taga-Roma 8:31-39
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment