1
Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw
ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang
tingnan ang libingan.
2
At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel
ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.
3
Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing
parang niebe:
4
At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga
taong patay.
5
At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't
nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.
6
Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito
kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.
7
At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y
nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon
makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.
8
At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking
galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.
9
At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y
nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.
10
Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon
kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y
makikita nila ako.
11
Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa mga bantay ay
nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga
bagay na nangyari.
12
At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay
nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,
13
Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad,
at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.
14
At kung ito'y dumating sa tainga ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at
kayo'y aming ilalagay sa panatag.
15
Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa
kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili
hanggang sa mga araw na ito.
16
Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa
kanila'y itinuro ni Jesus.
17
At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay
nangagalinlangan.
18
At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang
lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
19
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga
bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo:
20
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos
ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan.
— Mateo 28:1-20
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment