1
At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi
ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga
gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.
2
Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay:
sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking
Dios.
3
Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo,
at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng
magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
4
Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang
mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi;
sapagka't sila'y karapatdapat.
5
Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin
sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang
kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
6
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
7
At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay
sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas
at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
8
Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang
pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting
kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking
pangalan.
9
Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga
Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin
at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking
inibig.
10
Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan
sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga
nananahan sa ibabaw ng lupa.
11
Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag
kunin ng sinoman ang iyong putong.
12
Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na
siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at
ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa
langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
13
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
14
At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay
sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng
Dios:
15
Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko
sanang ikaw ay malamig o mainit.
16
Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka
kita sa aking bibig.
17
Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako
nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at
dukha at bulag at hubad:
18
Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy,
upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang
huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na
ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
19
Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap,
at magsisi.
20
Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng
aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo
niya, at siya'y kasalo ko.
21
Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan,
gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang
luklukan.
22
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
— Pahayag 3:1-22
(Ang
Biblia 1905 / Ang Dating Biblia)
Basahin sa
salin na Ang Salita Ng Diyos [SND] 1998
(Tagalog New Testament) ng Bibles International
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan
Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!
No comments:
Post a Comment