“Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?” ―GOD (Psalm 94:16) JESUS CHRIST IS THE ONLY WAY TO HEAVEN!!! “I am the way, the truth, and the life; NO MAN cometh unto the Father, BUT BY ME.” —Jesus Christ (John 14:6)


King James Bible Audio Drama with Music and Sound Effects

Showing posts with label Nagdadalamhati_ka. Show all posts
Showing posts with label Nagdadalamhati_ka. Show all posts

Monday, July 21, 2014

1 Mga Taga-Corinto 15:1-58

1 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan.
2 Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumampalataya kayo nang walang kabuluhan.
3 Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan.
4 Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.
5 Siya ay nagpakita kay Cefas at gayundin sa labindalawang alagad.
6 Pagkatapos nito sa isang pagkakataon, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatiran. Ang nakakaraming bahagi nito ay nananatili hanggang ngayon at ang ilan ay natulog na.
7 Pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago at saka sa lahat ng mga apostol.
8 Sa kahuli-hulilan, nagpakita siya sa akin, ako na tulad ng isang sanggol na ipinanganak ng wala sa panahon.
9 Ito ay sapagkat ako ang pinakamababa sa lahat ng mga apostol, na hindi nararapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesiya ng Diyos.
10 Dahil sa biyaya ng Diyos ako ay naging ako at ang biyaya niya na para sa akin ay hindi naging walang kabuluhan. Ako ay nagpagal nang higit pa sa kanilang lahat, ngunit hindi ako kundi ang biyaya ng Diyos na sumasaakin.
11 Kaya nga, maging ako man o sila, ito ang ipinangaral namin at kayo ay sumampalataya.
12 Si Cristo ay ipinangangaral na ibinangon mula sa mga patay. Yamang gayon nga, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay mula sa mga patay?
13 Kung wala ngang muling pagkabuhay mula sa mga patay, kahit na si Cristo ay hindi ibinangon.
14 Kung si Cristo ay hindi naibangon, ang aming pagpapahahayag ay walang kabuluhan at ang inyong pananampalataya ay wala ring kabuluhan.
15 Kami rin naman ay masusumpungang mga bulaang saksi ng Diyos sapagkat nagpatotoo kami patungkol sa Diyos na ibinangon niya si Cristo. Hindi na sana niya ibinangon si Cristo kung hindi rin lang ibabangon ang mga patay.
16 Ito ay sapagkat kung hindi ibabangon ang patay, maging si Cristo ay hindi nagbangon.
17 Kung si Cristo ay hindi nagbangon, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan, kayo ay nasa inyong mga kasalanan pa.
18 Kung magkaganito, sila na mga namatay kay Cristo ay napahamak.
19 Kung sa buhay lamang na ito tayo ay umaasa kay Cristo, tayo na ang higit na kahabag-habag sa lahat ng mga tao.
20 Ngayon, si Cristo ay ibinangon mula sa mga patay. Siya ang naging unang bunga nila na mga namatay.
21 Yaman ngang sa pamamagitan ng tao ang kamatayan ay dumating, sa pamamagitan din naman ng isang tao ay dumating ang muling pagkabuhay sa mga patay.
22 Kung papaanong kay Adan ang lahat ay namatay, gayundin naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Ngunit ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang pagkakasunod-sunod. Si Cristo ang pinaka-unang bunga, pagkatapos sila na mga kay Cristo, sa kaniyang pagdating.
24 Pagkatapos ng mga ito ay ang katapusan, kapag naibigay na niya ang paghahari sa kaniya na Diyos at Ama. Ito ay kapag kaniyang napawalan ng kapangyarihan ang lahat ng pamumuno at lahat ng kapamahalaan at lahat ng kapangyarihan.
25 Ito ay sapagkat kinakailangan niyang maghari hanggang sa mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga paa ang lahat ng kaaway.
26 Ito ay sapagkat ang huling kaaway na pawawalan ng kapangyarihan ay ang kamatayan.
27 Ito ay sapagkat kaniya na ngang ipinasailalim sa kaniyang mga paa ang lahat ng mga bagay. Ngunit nang sabihin niya na ang lahat ng mga bagay ay ipinasailalim niya, maliwanag na siya na magpasailalim ng lahat ng mga bagay ay hindi kasama.
28 Kapag ang lahat ng mga bagay ay mapasailalim na niya, ang Anak din naman ay mapapasailalim sa Ama na nagpasailalim ng lahat ng mga bagay sa kaniya. Ito ay upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat.
29 Kung hindi gayon, ano pa ang gagawin nila na mga nabawtismuhan alang-alang sa mga patay kung hindi rin lang ibabangon ang mga patay? Bakit pa sila binawtismuhan alang-alang sa mga patay?
30 At bakit nasa panganib tayo bawat oras?
31 Masasabi ko, ayon sa aking pagmalalaki patungkol sa inyo na na kay Cristo Jesus na ating Panginoon, na namamatay ako araw-araw.
32 Kung ayon sa paraan ng tao ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis na hayop sa Efeso, ano ang kapakinabangan sa akin kung ang patay ay hindi ibabangon? Kumain tayo, uminom tayo, sapagkat sa kinabukasan tayo ay mamamatay.
33 Huwag kayong magpadaya. Ang masamang kasama ay sumisira sa magandang pag-uugali.
34 Gumising kayo na may katuwiran at huwag magkasala sapagkat ang iba ay hindi nakakakilala sa Diyos. Nagsasalita ako para sa inyong kahihiyan.
35 Subalit maaaring may magsabi: Papaano ibinabangon ang mga patay? At ano ang magiging katawan nila?
36 Ikaw na hangal, anuman ang iyong itanim, hindi ito mabubuhay maliban ito ay mamatay.
37 Anuman ang iyong itanim, hindi mo itinatanim ang magiging katawan noon. Ang itinatanim ay ang butil, ito ay maaaring butil ng trigo o anumang ibang butil.
38 Ang Diyos ang siyang nagbibigay ng katawan ayon sa kaniyang kalooban, at sa bawat isang binhi ay binibigyan niya ng sariling katawan.
39 Hindi lahat ng laman ay magkatulad na laman. Iba ang laman ng tao, iba ang sa hayop, iba ang sa isda at iba naman ang sa ibon.
40 May katawan na panlangit at mayroon ding panlupa, ngunit iba ang kaluwalhatian ng panlangit at iba ang sa panlupa.
41 Iba ang karilagan ng araw at iba ang karilagan ng buwan. Iba ang karilagan ng mga bituin dahil ang karilagan ng isang bituin ay iba kaysa sa isang bituin.
42 Ganito rin nga ang pagkabuhay muli ng mga patay. Ito ay inililibing sa kabulukan, ito ay ibinabangon sa walang kabulukan.
43 Ito ay inililibing sa walang karangalan, ito ay ibinabangon sa kaluwalhatian. Ito ay inililibing sa kahinaan, ito ay ibinabangon sa kapangyarihan.
44 Ito ay inihasik na likas na katawan, ito ay babangon na espirituwal na katawan. Mayroong likas na katawan at mayroong espirituwal na katawan.
45 Gayundin ang nasusulat: Ang unang tao na si Adan ay naging buhay na kaluluwa. Ang huling Adan ay espiritu na nagbibigay buhay.
46 Hindi una ang espirituwal kundi ang likas, pagkatapos ay ang espirituwal.
47 Ang unang tao ay mula sa lupa, gawa sa alabok. Ang ikalawang tao ay ang Panginoon na mula sa langit.
48 Kung ano siya na gawa sa alabok, gayundin sila na mga gawa sa alabok. Kung ano siya na panlangit, gayundin sila na panlangit.
49 Kung paano natin tinataglay ang anyo ng gawa sa alabok, gayundin natin tataglayin ang anyo ng nagmula sa langit.
50 Ngayon, ito ang sinasabi ko mga kapatid: Ang dugo at laman ay hindi makakapagmana ng paghahari ng Diyos. Maging ang kabulukan ay hindi makakapagmana ng walang kabulukan.
51 Narito, sinasabi ko sa inyo ang isang hiwaga: Hindi lahat sa atin ay matutulog ngunit lahat ay babaguhin.
52 Lahat ay babaguhin sa isang iglap, sa isang kisap mata, sa huling pagtunog ng trumpeta dahil ang trumpeta ay tutunog at ang mga patay ay ibabangong walang kabulukan at tayo ay mababago.
53 Ito ay sapagkat kinakailangang ang may kabulukang ito ay maging walang kabulukan at ang may kamatayang ito ay maging walang kamatayan.
54 Kapag ang may kabulukan ay maging walang kabulukan at ang may kamatayan ay maging walang kamatayan, matutupad ang salitang isinulat: Ang kamatayan ay nilamon na sa tagumpay.
55 Kamatayan, nasaan ang iyong tibo? Hades, nasaan ang iyong tagumpay?
56 Ngayon, ang tibo ng kamatayan ay kasalanan at ang lakas ng kasalanan ay ang kautusan.
57 Ngunit salamat sa Panginoon na nagbigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
58 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo, hindi makilos, laging nananagana sa gawain ng Panginoon. Alam ninyo na ang inyong mga pagpapagal ay hindi walang kabuluhan sa Panginoon.
— 1 Mga Taga-Corinto 15:1-58
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Nagdadalamhati ka:

Pahayag 21
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
 

Nalulungkot:

Mateo 5:4
Juan 14
2 Mga Taga-Corinto 1:24
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
 

Ikaw ay nalulungkot o natatakot:

Lucas 8
1 Pedro 4
 

Nangungulila:

Mateo 5:4
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4
 

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

1 Mga Taga-Tesalonica 5:28

Ang biyaya ng ating Panginoong Jesuscristo ay sumainyo. Siya nawa!
— 1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Nagdadalamhati ka:

1 Mga Taga-Corinto 15
Pahayag 21
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
 

Nalulungkot:

Mateo 5:4
Juan 14
2 Mga Taga-Corinto 1:24
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
 

Ikaw ay nalulungkot o natatakot:

Lucas 8
1 Pedro 4
 

Nangungulila:

Mateo 5:4
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

1 Mga Taga-Tesalonica 4:13

13 Ngunit, hindi ko ibig na kayo mga kapatid, ay hindi makaalam patungkol sa mga natutulog upang huwag kayong magdalamhati na tulad ng mga iba na walang pag-asa.
— 1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...

Nalulungkot:

Mateo 5:4
Juan 14
2 Mga Taga-Corinto 1:24
 

Nangungulila:

Mateo 5:4
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4

 

SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Nagdadalamhati ka:

1 Mga Taga-Corinto 15
Pahayag 21
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
 

SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Ikaw ay nalulungkot o natatakot:

Lucas 8
1 Pedro 4

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Pahayag 22:1-21

1 Ipinakita niya sa akin ang isang ilog na may dalisay na tubig na nagbibigay buhay. Ito ay nagniningning katulad ng kristal. Ito ay lumalabas mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
2 Sa kalagitnaan ng lansangan at sa magkabilang panig ng ilog, naroroon ang punong-kahoy na nagbibigay buhay. Ito ay nagbubunga ng labindalawang bunga. Bawat buwan ay magbibigay ng kaniyang bunga. Ang dahon ng punong-kahoy ay para sa pagpapagaling ng mga bansa.
3 Doon ay hindi na magkakaroon ng sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay makikita sa lungsod. Ang kaniyang mga alipin ay maglilingkod sa kaniya.
4 Makikita nila ang kaniyang mukha. Ang kaniyang pangalan ay nasa mga noo nila. 5 Hindi na magkakaroon ng gabi roon. Hindi na nila kailangan ang isang ilawan o ang liwanag ng araw sapagkat ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Sila ay maghahari magpakailan pa man.
6 Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga salitang ito ay tapat at totoo. Ang Panginoong Diyos ng mga propetang banal ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita ang mga bagay na dapat nang mangyari kaagad.
7 Narito, malapit na akong dumating. Pinagpala ang tumutupad sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.
8 At akong si Juan na nakakita at nakarinig ng mga bagay na ito ay nagpatirapa sa paanan ng anghel, na siyang nagpakita sa akin ng mga bagay na ito, upang sambahin siya.
9 Sinabi niya sa akin: Huwag mong gawin ito sapagkat ako ay iyong kapwa alipin at gayundin ang iyong mga kapatid na lalaki na mga propeta at sa mga tumutupad ng mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo.
10 At sinabi niya sa akin: Huwag mong selyohan ang mga pahayag sa aklat na ito sapagkat nalalapit na ang panahon.
11 Ang hindi matuwid ay magpapatuloy sa pagiging hindi matuwid. Ang masama ay magpapatuloy sa pagiging masama. Ang matuwid ay magpapatuloy sa pagiging matuwid. Ang banal ay magpapatuloy sa pagpapakabanal.
12 Narito, malapit na Akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin upang igawad sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa.
13 Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.
14 Pinagpala ang mga tumutupad sa kaniyang mga utos. Sila ay magkakaroon ng karapatang kumain mula sa punong-kahoy ng buhay at pumasok sa mga tarangkahan ng lungsod.
15 Ngunit sa labas ng mga ito ay mananatili ang mga aso, ang mga gumagawa ng panggagaway, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga mapagsamba sa diyos-diyosan at bawat gumugusto sa kasinungalingan at ang mga sinungaling.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang siya ay magpatotoo sa mga bagay na ito sa inyong mga nasa iglesiya. Ako ang ugat at ang anak ni David, ang maningning na tala sa umaga.
17 Ang Espiritu at dalagang ikakasal ay nagsabi: Halika. At ang nakarinig ay dapat magsabi: Halika. Ang nauuhaw ay dapat lumapit. Ang naghahangad ay dapat uminom ng walang bayad sa tubig na nagbibigay buhay.
18 Ang dahilan nito ay nagpapatotoo rin ako sa lahat ng nakakarinig ng mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito. Sinabi ko: Kapag dinagdagan ng sinuman ang mga bagay na ito, idadagdag ng Diyos sa kaniya ang mga salot na aking isinulat sa aklat na ito.
19 Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito.
20 Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsabi: Oo, ako ay malapit nang dumating. Siya nawa. Oo, Panginoong Jesus, dumating ka na.
21 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay mapa-sainyo nawang lahat. Siya nawa!
— Pahayag 22:1-21
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Nagdadalamhati ka:

1 Mga Taga-Corinto 15
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
 

Nalulungkot:

Mateo 5:4
Juan 14
2 Mga Taga-Corinto 1:24
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
 

Ikaw ay nalulungkot o natatakot:

Lucas 8
1 Pedro 4
 

Nangungulila:

Mateo 5:4
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

Pahayag 21:1-27

1 At nakita ko ang isang bagong langit at ang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na. Ang dagat ay wala na.
2 At akong si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababang mula sa Diyos na buhat sa langit. Ito ay inihanda na katulad ng isang babaeng ikakasal na ginayakan para sa kaniyang magiging asawa.
3 Narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa langit. Sinabi nito: Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya ay mananahang kasama nila. Sila ay magiging mga tao niya. Ang kanilang Diyos mismo ang sumakanila at siya ang kanilang magiging Diyos.
4 Pupunasin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang kamatayan, ang pagtangis, ang pag-iyak o ang kabalisahan. Ang mga bagay sa nakaraan ay lumipas na.
5 Ang nakaupo sa trono ay nagsabi: Tingnan ninyo, ginawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Isulat mo ito sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at tapat.
6 At sinabi niya sa akin: Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ibibigay ko ang tubig ng buhay na walang bayad sa sinumang nauuhaw.
7 Ang magtatagumpay ay magmamana ng lahat ng bagay. Ako ay kaniyang magiging Diyos at siya ay magiging anak ko.
8 Ngunit ang mga natatakot at ang mga hindi sumasampalataya, ang mga kinamumuhian ng Diyos, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga manggagaway, mga sumasamba sa diyos-diyosan at lahat ng mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang ikalawang kamatayan.
9 Ang isa sa pitong anghel ay nagpakita sa akin. Sila ang mga anghel na may pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot at nagsalita sa akin: Halika rito. Ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal na asawa ng Kordero.
10 Dinala niya ako sa Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang isang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem. Ito ay bumababang buhat sa langit mula sa Diyos.
11 Taglay nito ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang ningning nito ay katulad sa isang napakahalagang bato, katulad ng isang kristal na batong haspe.
12 Ito ay may isang dakila at mataas na moog at labindalawang tarangkahan. Sa tarangkahan ay may labindalawang mga anghel. May nakaukit na pangalan sa tarangkahan. Ito ay ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak na lalaki ni Israel.
13 Tatlong tarangkahan ang nasa gawing silangan. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing hilaga. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing timog. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing kanluran.
14 Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligan. Sa kanila ay ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.
15 Ang nagsalita sa akin ay may isang gintong panukat. Taglay niya ito upang sukatin niya ang lungsod, ang tarangkahan nito at ang pader nito.
16 Ang lungsod ay parisukat. Ang haba nito ay katulad din ng luwang nito. Sinukat niya ang lungsod ng panukat. Ang haba, ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat na dalawanglibo at dalawangdaang kilometro.
17 Sinukat niya ang moog at ito ay isangdaan at apatnapu't apat na siko. Ito ang sukat ng haba ng siko ng isang tao, na siya ring sukat ng anghel.
18 Ang pader ay yari sa haspeng bato. Ang lungsod ay yari sa dalisay na ginto, katulad ng malinaw na salamin.
19 Ang mga saligan ng lungsod ay nagayakan ng lahat ng uri ng mga mahalagang bato. Ang una ay haspeng bato. Ang pangalawa ay sapirang bato. Ang pangatlo ay kalsedonyang bato. Ang pang-apat ay esmeraldang bato.
20 Ang panglima ay batong onise. Ang pang-anim ay batong kornalina. Ang pangpito ay batong krisolito. Ang pangwalo ay batong berilo. Ang pangsiyam ay batong topasyo. Ang pangsampu ay batong krisopraso. Ang panglabing-isa ay batong hasinto. Ang panglabindalawa ay batong amatista.
21 Ang labindalawang tarangkahan ay labindalawang perlas. Ang bawat tarangkahan ay isang perlas. Ang lansangan ng lungsod ay dalisay na ginto katulad ng salaming malinaw.
22 At wala akong nakitang anumang banal na dako dito. Ang dahilan ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ay ang mga banal na dako nito.
23 Ang lungsod ay hindi nangailangan ng araw o buwan upang magliwanag dito sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbigay-liwanag dito. Ang Kordero ay ang ilawan nito.
24 Ang mga bansa ng mga iniligtas ng Diyos ay maglalakad sa liwanag nito. Ang mga hari sa lupa ay magbibigay ng kanilang kaluwalhatian at karangalan dito.
25 Kailanman ay hindi isasara ang tarangkahan nito sa araw sapagkat wala ng gabi roon.
26 Dadalhin nila ang kaluwalhatian at karangalan ng mga bansa dito.
27 Kailanman ay hindi makakapasok doon ang anumang marumi o ang ang sinumang gumagawa ng kinapopootan ng Diyos o ang gumagawa ng kasinunga-lingan. Ang makakapasok lamang doon ay yaong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.
— Pahayag 21:1-27
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by Bibles International) 


SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...

Nagdadalamhati ka:

1 Mga Taga-Corinto 15
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
 

Nalulungkot:

Mateo 5:4
Juan 14
2 Mga Taga-Corinto 1:24
1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
 

Ikaw ay nalulungkot o natatakot:

Lucas 8
1 Pedro 4
 

Nangungulila:

Mateo 5:4
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4

Ang Biblia


How does a person get to Heaven?

Ye Must Be Born Again! | You Need HIS Righteousness!

The simple, clear Gospel of God’s Grace
— The Gospel of Jesus Christ.

Clear presentation of the Gospel message.
You can be saved and secure forever!
 

God loves you! (John 3:16)
Sin separates us from God. (Romans 3:23)
Heaven is a perfect place. (Revelation 21:27)
The penalty for sin is eternal separation from God. (Romans 6:23)
Good works will not save. (Titus 3:5)
Salvation is a free gift. (Ephesians 2:8-9)
Jesus died for you, in your place. (II Corinthians 5:21)
By simply believing on Jesus, you have eternal life. (John 6:47)
You can know for sure that you have eternal life. (I John 5:13)

For more information contact office@northlandchurch.com

Website: http://www.northlandchurch.com/index.cfm



FREE E-BOOKLETS (.PDF) BY DR. THOMAS M. CUCUZZA

HOW TO BE SURE YOU ARE GOING TO HEAVEN
A Clear and Simple Explanation of the Gospel of Jesus Christ


Download

THE PERMANENCE OF SALVATION
Twelve Reasons Why "Once Saved, Always Saved" Is True


Download

 
REPENTANCE
Its Meaning and Application


Download

 
FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD
What Does It Mean?
A detailed study on one of the most controversial passages in the Bible


Download



I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen

I NEVER KNEW YOU 

The Horror
Of
The Great White Throne Judgment
And
How You Can Avoid It

MICHAEL PATRICK BOWEN

 
Hard Copies Are Available! ...
Order Books From AMAZON.COM
I NEVER KNEW YOU, The Horror Of The Great White Throne Judgment And How You Can Avoid it By Michael Patrick Bowen