13
Ngunit, hindi ko ibig na kayo mga kapatid, ay hindi makaalam patungkol sa mga
natutulog upang huwag kayong magdalamhati na tulad ng mga iba na walang pag-asa.
14
Ito ay sapagkat kung naniniwala tayo na si Jesus ay namatay at nagbangong muli,
gayundin naman ang mga natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Diyos kasama niya.
15
Ito ay sinasabi namin sa inyo ayon sa salita ng Panginoon na tayong nabubuhay at
nanatili hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauuna sa anumang paraan sa
mga natutulog.
16
Ito ay sapagkat ang Panginoon din ang siyang bababa mula sa langit na may
isinisigaw na utos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos.
Ang mga patay kay Cristo ay unang magbabangon.
17
Pagkatapos nito, tayong mga buhay at naririto pa ay kasama nilang aagawin sa mga
alapaap upang salubungin natin ang Panginoon sa hangin. Sa gayon, makakasama
natin ang Panginoon magpakailanman.
18
Kaya palakasin ninyo ang loob ng isa't isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.
— 1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18
(Ang Salita ng Diyos [SND] - Copyright © 1998 by
Bibles
International)
SITAS KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG TULONG KUNG...
Mateo 5:4
Juan 14
2
Mga Taga-Corinto 1:24
Mateo 5:4
2
Mga Taga-Corinto 1:3-4
SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...
1 Mga Taga-Corinto 15
Pahayag 21
Pahayag 22
1 Mga Taga-Tesalonica
4:13
1 Mga Taga-Tesalonica 5:28
SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA:
KUNG...
Ikaw ay nalulungkot o natatakot:
No comments:
Post a Comment